Thursday, April 12, 2018

RH228 Mother Manual Double Electric Breast Pump Review

Hi mga ka-nanay! Welcome po sa Mommy and Cailey's Blog. Today po ay i-rereview natin ang isang klase ng electric breast pump na nabili namin sa Lazada way back January 2017 pa, hahaha! Sorna mga ka-nanay, medyo naging busy kasi talaga nung dumating si baby lalo na't first time mom ako kaya ngayon lang nagkaron ng pagkakataong mai-blog. By the way nabili ko yung akin sa halagang Php 989.00 at sobrang nagulat ako kasi almost half the price na and mas nagulat ako nung makita kong Php 500.00 lang sya sa Shopee. 

 DISCLAIMER: Di po ako binayaran ni Lazada para i-review ang item na ito at ng Shopee para sabihing mas mura sa kanila. hahaha.

Anyway without further ado eto na po yung product.

RH228 Mother Manual Double Electric Breast Pump



 Product details

  • Material: Plastic BPA free
  • More comfortable pumping position due to unique design
  • Soft, textured massage cushion helps stimulate milk flow
  • Compact, lightweight design of the pump body makes it easy to hold and position on your breast
  • Easy visual matching of parts
  • Easy cleaning thanks to the small number of separate parts
  • Easy manual operation 
  • Compatible with other feeding products available in local stores

Umorder ako ng electric breast pump kasi during that time nagwowork pa ako, sa kagustuhan kong wag mag-stop ang supply ko ng gatas kailangan kong panatilihin ang demand ng gatas ko and ang solusyon lang don ay ang pag extract ng gatas either manual or electric. Pero dahil sa matrabaho ang manual pumping at limitado lang ang oras ng break time ko sa trabaho mas pinili ko na ang electric. So, ano ano ba ang PRO's and CON's ng manual ang electric.

Comparison between manual and electric breast pump



ELECTRIC BREAST PUMP
MANUAL BREAST PUMP
MATERIAL
-Too many parts to assemble
-Bulky
-Many  to wash
-Few parts to assemble
-Space saving
-Few to wash
PRICE
Php 500 and above
Php 200 and above
PUMPING DURATION
Up to 30 minutes or more
As tolerated
MILK OUTPUT
Depends on mother’s milk supply
Depends on mother’s milk supply
COMFORT
Hands free
Tiring
TIME EFFICIENCY
Can be done in a time frame
As tolerated


Ano ang kasama sa box ng RH228 Mother Manual Double Electric Breast Pump?

Halos kumpleto na po ang laman ng isang box, kung mapapansin nyo isang tsupon lang ang kasama sa set kahit na dalawa ang bote na kasama so need pa po natin bilhan  ng tsupon or mga dede bote si baby, don't worry mga ka-nanay dahil sakto po ang sukat ng mga regular size bottles na nabibili sa mga groceries. Optional na po kung gusto nyong bumili ng mga extra storages para sa mga excess nyong gatas para di masayang at may stock pa si baby. 




FINAL VERDICT!

Ang mapapayo ko lang po mga ka-nanay sa pagpili ng uri ng breast pump ay depende po sa lifestyle nyo, halimbawa, kung kagaya ko po kayo na nagwowork mas maipapayo ko ang pag gamit ng electric pump dahil mas convenient gamitin at may time frame kang masusundan pero kung nasa bahay ka lang at bihira lang lumabas mas ok na po ang manual.



Ako po yan during breaktime, habang nagpa-pump, nag memerienda na rin para walang sayang na oras. :) Sana po nakatulong ang maiksing review na ito sa inyo mga ka-nanay. Till next blog po, God bless!

To God be all the glory.